SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na pipilitin ng kanyang administrasyon na huwag maipataw ang dadgag singil sa kuryente ngayong papasok na buwan ng Kapaskuhan.
“Yun ang tina-trabaho namin ngayon, na hindi tumaas ang fuel. At least not for Christmas man lang,” pahayag ni Marcos sa kanyang pakikipagpulong sa Laguna nitong Martes.
Marcos said postponing the expected power hikes until next year would significantly benefit consumers severely impacted by the rising costs of basic goods and services.
“If we could postpone or padahan-dahanin lang natin. Kung tataas man, dahan-dahanin natin ang pagtaas. Masyado nang nahirapan ang tao” dagdag pa niya.
Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos mag-isyu ang Court of Appeals ng temporary restraining order na humaharang sa naunang order ng Energy Regulatory Commission na tinututulan ang hinihinging power rate increase ng Meralco at San Miguel’s subsidiary na South Premier Power Corp.
“Yung worry ko lang itong nangyari yung TRO na binigay ng CA doon sa PSA ng San Miguel at saka Meralco,” ayon sa pangulo.