NANAWAGAN si ACT Teachers party-list Rep. France Castro kay Pangulong Bongbong Marcos na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF) sa pagsasabing makakamit lang ang pagkakaisa sa bansa kung matugunan ang hindi pagkakapantay-patay sa bansa.
“One way to comprehensively do this is to reopen the peace negotiations between the Government of the Philippines (GRP) and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and start from where it left off,” sabi ni Castro.
ni Castro na marami nang napagkasunduan sa isinagawang peace talks simula noong 1992.
“The peace negotiations have gained milestone agreements since 1992. Ironically, the GRP and NDFP panels were set to formally sign a number of agreements, important components of an aspired-for Comprehensive Agreement on Social and Economic Reform (CASER) that would address the root causes of the armed conflict, when President Duterte unilaterally terminated the peace talks in November 2017,” dagdag ni Castro
Ngayong araw, ipinagdiriwang ng Community Party of the Philippines (CPP) ang ika-54 anibersaryo nito.
Kamakailan, pumanaw naman ang CPP founding chairman na si Jose Maria Sison matapos ang dalawang linggong pagkaka-ospital sa The Netherlands kung saan siya naka-exile.