Mahigit 21K Pinoy bumisita sa Palasyo para sa Simbang Gabi

SINABI ng Palasyo na mahigit 21,000 Pinoy ang bumisita sa Malacañang para dumalo sa Simbang Gabi at panoorin ang Christmas tree at mga lantern display sa Kalayaan grounds.

Mula Disyembre 17 hanggang Disyembre 24, 2022, umabot sa 2,895 ang nag-Simbang Gabi.

Sa ulat mula sa Presidential Security Group (PSG), 14,988 Pinoy ang bumisita sa Pailaw sa Kalayaan mula Disyembre 18 hanggang Disyembre 24, 2022.

Sinabi ng PSG na umabot sa 3,200 ang bumisita sa Kalayaan grounds sa Araw ng Pasko.