DAPAT manggaling sa UniTeam ang susunod na Senate President, ayon kay Senador Imee Marcos.
“I think everyone agreed na dapat ‘yung mangyari sa Senate ay UniTeam pa rin. Isang majority na matibay na talagang 13 (senators) ang maaasahan na boto,” ayon kay Marcos.
“Dapat ganoon sana kasi sa dami ng problema natin dapat mabilis tayo at malakas ang dating ng mga batas na kinakailangan natin,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Marcos na hindi siya naghahangad na makuha ang Senate presidency o anumang mataas na posisyon sa darating na 19th Congress.
Kamakailan, ibinunyag ni Senator Sonny Angara na sina Imee at Senator-elect Loren Legarda ay nagpahayag ng interes sa posisyon ng Senate president pro tempore, ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa Upper Chamber.
Sa ngayon, sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Cynthia Villar, Senator Sherwin Gatchalian, at Senator-elect Francis Escudero ang mga mambabatas na naiulat na nag-aagawan para sa pinakamataas na posisyon ng Senado.
Suportado umano ni Imee ang Senate presidential bid ng matandang Villar.