Sara tikom pa rin sa 2022 presidential elections

Ayaw pa rin magbigay ng komento si Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa posibleng pagtakbo nito sa darating na presidential elections lalo pa’t siya ang nanguna sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

“2022 is too far yet” ayon kay Duterte sa isang panayam sa radyo nitong Lunes. Gayunman may tila pasaring ang alkalde sa kung anong maaaring mangyari sa darating na taon. “

Who knows, COVID-19 might take me away. We don’t even know if we were still here tomorrow because of Covid-19. So 2022 is too far” dagdag pa ni Duterte.

Sa huling survey ng Pulse Asia, nakakuha si Duterte ng 27 percent ng 2,400 Filipino na tinanong kung sino ang mas nais nilang kumandidato sa darating na halalan, na sinundan naman ni dating Senador Bongbong Marcos at Senador Grace Poe.

Ginawa ang survey mula Pebrero 22 hanggang Marso 3, 2021.