Namamanata sinuway si Isko, nagpenitensya sa Tondo

NAGPENITENSYA ang ilang residente ng Tondo, Maynila ngayong umaga, na isang malinaw na pagsuway sa utos ni Mayor Isko Moreno na bawal magsagawa ng kahit anumang Holy Week activities sa harap ng tuloy-tuloy na paglobo ng Covid-19 cases.


Ayon sa ka-PUBLIKO na si Dearly Ganaden, nagulat siya nang tumambad sa mga taga-Herbosa st. ang pila ng mga nagpepenitensya.


Sinabi pa ni Ganaden na mas marami pang namamanata ang nagprusisyon sa kanilang lugar ilang oras bago ito.