NAPIKON si Cavite Rep. Boying Remulla nang tanungin kaugnay sa ginawa umano niyang red-tagging noong nakaraang kampanya.
Sa panayam sa ANC, tinanong si Remulla, na uupo bilang Justice secretary sa papasok na administrasyon, kung paano niya matitiyak na ipapaglalaban ang karapatan ng publiko kung siya mismo ay sangkot sa red-tagging.
“Ang red-tagging is a political term, I’m just unmasking them, sinasabi ko lang ang totoo. Kaya lang ngayon, na ako ang magiging chairman ng Anti-Terror Council under the Department of Justice, pormal na atmosphere ‘yan, hindi political, ibang usapan ‘yan,” paliwanag ni Remulla.
Klinaro naman ng host na si Carmina Constantino na hindi personal na tanong ang kanyang ibinabato kay Remulla.
Bumawi naman ang kongresista at sinabi na maghihinay-hinay na siya sa pagsasalita ukol sa isyu.
“Of course, I will have to be more reserved about many of these things. I’ve always been outspoken. It would be a hard habit to break,” aniya.
“But maybe we will tone down a little on that and just convert it to action. Di na ako magsasalita. Gagawin ko na lang,” dagdag niya.