NANGAKO si Senador Grace Poe na patuloy na isusulong ang mga panukalang naglalayong itaas pa ang antas ng pagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga beterano na lumaban para sa bansa at sa kani-kanilang pamilya.
“We are committed to push for more legislation that will advance their welfare,” giit ni Poe sa paggunita ng Veterans Week at Araw ng Kagitingan nitong Martes.
Ayon kay Poe suportado ng Senador ang panukalang kanyang inihain para itaas ang pensyon ng mga war veterans.
“The unparalleled valor and gallantry displayed by our war veterans against expansionist ambitions have kept the Philippine flag flying supreme over our land and waters,” anya.
“We owe it to our veterans and their families to ensure that they receive the care and support they need,” dagdag pa ng senador kasabay ang mensahe na nakikiisa siya sa pagkilala sa mga nagawa ng mga beteranong Pinoy para sa pagpapalaya ng bansa.
“May the heroism and courage of our veterans live on in every Filipino, especially those at the forefront of defending our territory and sovereignty against present threats.”