UMAMIN si PNP Chief General Rodolfo Azurin na posibleng merong lapses sa hanay ng pulisya sa pag-handle ng mga detinido sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos ang hostage-taking na naglagay sa panganib kay dating Senador Leila de Lima nitong Linggo.
Ginawa ni Azurin ang pahayag matapos siyang tanungin hinggil sa kung bakit nakakuha ng matalas na bagay ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf dahilan para masaksak ang isang pulis at mahostage ang dating senador.
“There must really be a lapse on the part of our PNP, guarding po y’ung mga detainees po natin (sa paghandle ng mga detainees),” ayon kay Azurin sa panayan ang ANC.
Gayunman, nasa proseso pa rin anya ng imbestigasyon ang nangyaring insidente at inaalam pa kung bakit nakakuha ang mga suspek ng patalim.
“Definitely nga po, ito po ay naipasok po, inaalam nga po natin kung paano naipasok ang metal objects po na mga ‘yan dahil talagang hindi naman po allowed ‘yan na ipasok. That’s part of the investigation,” anya pa.