WALANG balak dumalo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa ipatatawag ni Pangulong Duterte na meeting kasama ang mga dating presidente ng bansa para talakayin ang isyu ng West Philippine Sea.
Ayon sa isang source ng PUBLIKO, bagamat wala pang natatanggap na imbitasyon si Aquino, hindi rin naman umano ito importante dahil hindi ito dadalo.
“Times (street) has not received official invitation. The former president has yet to receive email or letter. Even if it pushes through, he intends to reply with, ’regrets’,” sabi ng source.
Nauna nang sinabi ni Presidential Secretary Harry Roque na bukod kay Aquino, posibleng imbitahan ni Duterte ang iba pang dating pangulo ng bansa bilang alternatibo sa isinusulong na pag-convene ng National Security Council ni dating Senador Rodolfo Biazon.
Bukod kay Aquino, posible ring imbitahan sina Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada, and Gloria Macapagal-Arroyo.