PABOR si Senador Grace Poe sa pagsasapribado ng MRT-3 upang maging mas maayos at episyente ang operasyon nito at makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko.
“I agree that the MRT operations should be privatized. As we’ve seen in the past, political interventions have caused more problems and inefficiencies to the MRT operations,” ani Poe sa isang kalatas.
Gayunman, iginiit ni Poe na dapat matiyak na ang gagawing sa konsesyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong grupo ay transparent at mabubusising mabuti.
Inihalimbawa rin ng senador ang train system sa Japan at ang Light Rail Transit na ngayon ay pinatatakbo ng pribadong kompanya ay nakapagbibigay ng maayos na serbisyo sa publiko kumpara sa MRT.
“Fairly awarded through public bidding, to a competent and financially viable company, with a track record of providing efficient service and knowledge in train and public transport operations,” ani Poe.
Sa kabila nito, sinabi ni Poe na dapat bigyan pa rin ang pamahalaan ng “some control” sa pagdetermina sa fare matrix upang maptoreksyunan naman ang mga pasahero laban sa hindi makatarungang pasahe sa tren.
“The riding public’s welfare, convenience, and safety, should be the priority,” giit pa nito.
Kamakailan ay napaulat na diumano’y ibebenta na ang MRT-3 na mariiin namang itinanggi ng Department of Transportation.