LUSOT na sa House committee on overseas workers affairs ang panukalang magna carta para sa mga seafarers sa harap ng posibibilidad na ma-ban ang mga seaman sa Europa.
Sinabi ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo, na siyang chairman ng komite na isang substitute bill ang ipapalit para mapagsama-sama ang lahat ng mga panukalang batas.
“This is the culmination of our hard work over the past few months, listening with various stakeholders to create a bill that is holistic and responsive to the needs of our seafarers and concerns of the maritime sector,” sabi ni Salo.
Layunin ng panukalang batas na masolusyunan ang problema kaugnay ng kakulangan ng aktuwal na pagsasanay sa mga barko na bigong maibigay ng mga maritime higher educational institutions’ (MHEI) at ang pangangailangan ng mga kadete na makumpleto ang kanilang shipboard training mula sa mga rehistradong may-ari ng barko.
“This will also address the recent findings of the European Maritime Safety Association (EMSA) on our country’s compliance with the International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW Convention),” dagdag ni Salo.
Nauna nang nagbanta ang EMSA na iba-ban ang mga Pinoy seafarers sa pagsakay ng barko dahil sa kabiguang ang mga kinakailangang pagsasanay.