IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang Securities and Exchange Commission (SEC) matapos nitong iutos ang pagpapasara ng online news outlet na Rappler.
“Let the law take its course, and allow the Securities and Exchange Commission perform its mandate,” sabi ni outgoing Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.
Sa desisyon ng SEC noong Hunyo 28 o dalawang araw bago bumaba sa puwesto si outgoing President Duterte, pinagtibay nito ang naunang ruling na ipasara ang Rappler.
“Rappler may avail of remedies accorded to it by law,” dagdag ni Andanar.
Sinabi naman ni Nobel Peace Prize awardee na si Maria Ressa na tuloy ang operasyon ng Rappler at iaapela nila ang desisyon.