DUMISTANSYA ang Palasyo matapos bawiin ng isa pang testigo ang testimonya nito laban kay Senador Leila De Lima.
“We respect the independence of the court handling the case of Senator Leila de Lima, particularly in evaluating the evidence presented, such as the statements of former Bureau of Corrections Officer-in-Charge Rafael Ragos,” sabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar.
Idinagdag ni Andanar na nananatili ang tiwala ng Palasyo sa Department of Justice sa pagsusulong nito sa mga kaso laban kay De Lima.
“We continue to trust the Department of Justice and the National Prosecution Service in performing their mandates in investigating and prosecuting the charges against the lady senator,” sabi ni Andanar.
Binawi ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos ang pahayag laban kay De Lima sa pagsasabing pinilit lamang diumano siya ng mga abogado ng pamahalaan at ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para idiin ang senador at ang kanyang aide na si Ronnie Dayan.
Nauna nang binawi ng drug lord na si Kerwin Espinosa ang kanyang testimonya laban kay De Lima.