QC mayor ginawang ‘joke’ ni Ai Ai; Lolit Solis umalma

PINALAGAN ni Lolit Solis ang political advertisement ni Ai Ai delas Alas kung saan ginaya nito si Quezon City Mayor Joy Belmonte para ikampanya ang kalaban na si dating Rep. Mike Defensor.

Nagsusulat si Solis sa Pilipino Star Ngayon na pag-aari ng pamilya ni Belmonte.

Sa Instagram post, tinawag ni Solis na “kagagahan,” “pathetic,” “forcing thru,” at “hard sell” ang advertisement ng komedyana.

Narito ang buong banat ni Solis kay delas Alas, na supporter ng UniTeam kung saan kapanalig si Defensor:

“Naloka ako sa gimmick ni AiAi de las Alas. Trabaho lang iyon mag endorse ng kandidato, ok lang kung sino kumuha at nagbayad sa iyo, pero choice mo parin kung ano ang mga dapat mong gawin o sabihin.

“Ok , magkalaban, siyempre kanya kanyang labas ng gimmick at salita, pero dapat naman siguro maging polite ka parin sa mga gagawin mo, maliban na lang kung gusto mo talaga isara lahat ng pinto, at never na kayong magiging magkaibigan uli after the election.

“Komedyante si AiAi de las Alas, kung gusto niya gawin katatawanan ang sarili niya, why not, pero sana iwasan niya na gumamit ng ibang tao para lang maging katawa tawa.

“Pathetic ang dating, forcing thru, hard sell, gutter comedy, iyan ang masasabi ko sa ginagawa niyang kagagahan tungkol kay Mayor Joy Belmonte.

“Kung suportado niya ang kalaban ni Mayor Joy, OK lang, no big deal. Pero sana walang bastusan, sana igalang niya parin ang office na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.

“Matuto ka sana AiAi kung saan dapat huwag lalagpas, baka ang ending hindi mo makayang dalhin. Gamitin ang utak para hindi magkamali, hindi magsisi. Piece of advice AiAi, dahan dahan lang, baka nadapa.”