PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang P5.268 trilyong budget para sa 2023.
Sa botong 21 affirmative votes, no negative votes, and no abstentions, inaprubahan ng Senado ang inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang 2023 General Appropriations Bill (GAB) na nauna nang sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos.
Nirealign naman ang P120 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd) at inilagay sa “Healthy Learners Institution Program” matapos naman itong isulong ni Sen. Risa Hontiveros.
Nakatakdang magpulong ang bicameral conference committee sa Biyernes, Nobyembre 25 para ayusin ang magkaibang bersyon ng Senado at Kamara.
Write to publiko