SINABI ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople ipinagutos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagkakaroon ng “wing” para sa mga overseas Filipino workers sa ilang piling mga ospital.
“The President has given a directive for the DMW and the DOH (Department of Health) to discuss the possibility of just having OFW wings in various hospitals,” sinabi ni Ople.
Sinabi ni Ople na binanggit ng Pangulo ang paksa matapos nilang iharap sa kanya ang panukalang OFW Hospital.
“And he said, I think the direction towards health services for OFWs would be to look at which hospitals can accommodate an OFW wing,” aniya.
Mabilis namang nagpahayag ng suporta si Senador JV Ejercito ukol dito.
“The chair agrees with the President because OFWs come in different places in the country. So for practicality, that’s his idea,” ani Ejercito sa isinagawang budget hearing para sa DMW.