Pulisya may lead na sa killer ni Percy Lapid

INILABAS na ang Las Piñas City Police ang video footage ng dash cam ng sasakyan ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid na posibleng makapagtukoy sa kanyang mga salarin.

Sa video na narekober, makikita ang motorsiklo na sinakyan ng isa sa mga suspek.

Makikita rin dito na nagtungo sa side ng kanyang behikulo ang mga suspek sa kanya pinagbabaril. Nahuli rin ng camera ang pagtakas ng mga suspek.

Sa front view naman ng kanyang camera na nabangga niya ang isang sasakyan na nasa kanyang harapan bago narinig ang mga putok ng baril.

Ilan pang CCTV footage na nagpapakita na sinusundan ng mga suspek si Lapid.