TINIYAK ng kampo ni President-elect Bongbong Marcos na isang simple at solemn na inagurasyon ang mangyayari sa Hunyo 30.
“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,’” ayon kay Franz Imperia, isa sa mga nangunguna sa paghahanda ng inagurasyon.
Sisimulan ang inagurasyon, na gaganapin sa National Museum, sa pag-awit ni Toni Gonzaga ng National Anthem, habang isinasapinal pa rin ang ecumenical invocation.
Susundan ito ng 30-minutong military-civil parade.
Ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” ay kakantahin naman ni Cris Villonco at ng Young Voices of the Philippines choir.
Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo naman ang mag-aadminister ng oath of office.