MATAPOS mapabilang sa mga ni-red tag, nakisawsaw naman ngayon ang Malacanang sa pagbubunyi ng publiko nang maka-ginto ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics Lunes ng gabi.
Nagpaabot ng pagbati ang Malacanang matapos maiuwi ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya mula sa Summer Olympic Games.
“Congratulations, Hidilyn. The entire Filipino nation is proud of you. Laban, Pilipinas!” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Samantala, ikinatuwa ng Armed Forces ang pagkapanalo ni Diaz, isang sarhento sa Philippine Air Force.
“Her masterful performance in the Tokyo 2020 Olympics, where she also set an Olympic record in the 55kg division, brought pride and glory to the AFP and the country,” ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana.
“We are now more than ever inspired by her exceptional hard work, perseverance, and dedication. We wish her the best moving forward. Soar high, airwoman!” he added.