Hidilyn Diaz binalikat kampeonato sa Olympic weightlifting event; Pinas naka-ginto

SA kauna-unahang pagkakataon nakaginto rin ang Pilipinas dahil sa Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz.

Naitala rin ni Diaz ang bagong Olympic record matapos makapag-perform nang malinis na pagbuhat ng kabuuang 224 kilograms Lunes ng gabi sa Tokyo International Forum.

Tinalo ni Diaz ang world record holder na si Liao Quuyun ng China na nakabuhat naman ng 223 kilograms.

Pumangatlo naman si Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan na makabuhat ng kabuuang 213kg.