BINASURA ng Court of Tax Appeals nitong Miyerkules ang apat na kaso ng tax evasion laban sa Nobel Laureate na si Maria Ressa at sa Rappler Holdings Corporation.
Sa desisyon ng CTA First Division, sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na mapatunayan “beyond reasonable doubt” ang mga akusasyon laban kay Ressa at sa Rappler.
Isinampa ang kaso laban kay Ressa at sa Rappler noong 2018 ng Department of Justice dahil sa hindi pagdedeklara ng P162.41-million kita sa Philippine Depositary Receipts (PDRs) noong 2015.
Ang PDR ay ibinibigay sa ilang entities hinggil sa pagtanggap nito ng foreign investment nang hindi nalalabag ang constitutional requirement hinggil sa full Filipino ownership.