Murang sibuyas mabibili na muli sa Kadiwa

SINABI ni Agriculture Assistant Secretary and Spokesperson Kristine Evangelista ngayong Miyerkules na mabibili na muli ang murang sibuyas sa mga Kadiwa center matapos na ihinto ito noong Enero 13.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Evangelista na mabibili na ang puting sibuyas sa DA main office sa Quezon City sa halagang P150 isang kilo.

Niliwanag ni Evangelista na wala nang subsidiya na ibinibigay ang DA.

“Inisyatiba na po ito ng ating mga kooperatiba, ang pino-provide lang po natin ay space. Ito po yung coop na kasama talaga namin sa Kadiwa,” aniya.