Marcos: Oras sayang sa impeachment ni Sara

SAYANG lang ang oras kung isusulong pa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.

At dahil dito, sinabi ni Marcos na nakipag-ugnayan na siya sa Kamara para sabihin na huwag nang pag-aksayahan pa ng panahon ang pagpapa-impeach kay Duterte.

“Well, it was actually a private communication, but na-leak na. Yes, because that’s really my opinion,” pagkukumpirma nito tungkol sa usapin tungkol sa impeachment laban kay Duterte.

“This is not important. This does not make any difference to even one single Filipino life. So why waste time on it? What will happen if somebody files an impeachment? It will tie down the House. It will tie down the Senate.”

Kumalat sa social media ang “text” ni Marcos hinggil sa pagpigil nito sa pagsasampa ng impeachment laban sa kanyang bise presidente.

Ayon sa text: “In the larger scheme of things, Sara is unimportant. So please do not file impeachment complaints. It will only distract us from the real work of governance which is to improve the [lives] of all Filipinos.”

“None of this will help improve a single Filipino life. It will just take up all our time. And for naught, for what? For nothing. For nothing.”