TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi muna siya bibiyahe matapos ang mga kritisismo dahil sa sunod-sunod ang kanyang mga pag-alis ng bansa.
Idinagdag ni Marcos na ngayong taon, tanging ang Asia Pacific Economic Conference (APEC) sa Nobyembre ang kanyang dadaluhan.
“Kasi ang Philippine, dapat naman talaga ang Philippine president kailangan pumunta sa lahat ng APEC eh. Importante talaga,” sabi ni Marcos.
Nakatakdang umalis si Marcos sa susunod na buwan para sa state visit sa Japan.
Naka walong biyahe na si Marcos mula nang umupo siya noong Hunyo 30, 2022.