Fil-Am isa sa biktima ng mass shooting sa California

KINUMPIRMA ng Philippine Consulate General (PCG) sa Los Angeles na kabilang ang isang Filipino-American sa mga nasawi sa nangyaring mass shooting sa Monterey Park sa California.

Kinilala ng Philippine consulate ang biktima na si Valentino Alvero, 68, isang US citizen na may lahing Filipino.

“The Philippine Consulate General in Los Angeles expresses its shock and great sadness over the mass shooting incident that took place in Monterey Park, CA late in the night of 21 January 2023. Our prayers go out to the families of the victims and we mourn with them during this lunar new year festival, which is supposed to be a time of gathering and celebration,” sabi ng konsulado.

Idinagdag pa ng konsulado na humihiling ang pamilya ng biktima ng privacy habang nagluluksa.
Kinilala naman ang salarin na si Huu Can Tran, 72, na natagpuan patay sa isang parking lot matapos na barilin ang sarili.