NAKATAKDANG dumalo si Pangulong Bongbong Marcos sa United Nations General Assembly (UNGA) sa Amerika sa Setyembre.
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang pagdalo ni Marcos sa nakatakdang pandaigdigang pagpupulong.
“President Marcos will be coming in for the General Assembly which starts sometime around 20-21 September, around that time,” sabi ni Romualdez.
Hindi pa naman tiyak kung magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan ni Marcos at US President Jose Biden.
Idinagdag ni Romualdez na nakatakda ring dumalo si Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa education summit sa New York sa darating ding Setyembre.