Marcos dumating na sa US

NAKARATING na sa Amerika si Pangulong Bongbong Marcos kung saan siya nakatakdang dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA).

“Tayo ay ligtas na nakarating sa Newark Liberty International Airport sa New Jersey kasama si Unang Ginang Liza Marcos at mga miyembro ng ating Philippine Delegation,” sabi ni Marcos sa kanyang Facebook post.

Sinalubong si Marcos nina Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, Philippine Permanent Representative to the United Nations Ambassador Antonio Manuel Lagdameo Sr., House Speaker Martin Romualdez, at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.

Nakatakdang magsalita si Marcos sa harap ng mga delegado sa UNGA sa Martes.