NILAGDAAN ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11696 o Marawi Siege Compensation Act, na naglalayong mabigyan ng kompensasyon ang pamilya ng mga nasawi at mga nawalan ng tahanan dahil sa insidente.
Sa ilalim ng RA 11696, magtatayo rin ng siyam na miyembro ng Marawi Compensation Board, na siyang magpoproseso at mag-aapruba ng mga aplikasyon.
Pinirmahan ang batas noong Abril 13, 2022, limang taon matapos ang nangyaring paglusob ng Maute Group noong May 23, 2017 kung saan 360,000 katao ang inilikas.