DINISKWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) second division si Cagayan Gov. Manuel Mamba dahil umano sa vote-buying nitong nakaraang May elections.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na ang desisyon ng poll body ay base sa kasong inihain ni Ma. Zarah Rose De Guzman Lara na tumakbo rin bilang governor ng lalawigan.
“Inakusahan ni Lara si Mamba, na noo’y nanunungkulang gobernadora, na nakibahagi sa malawakang vote-buying noong panahon ng kampanya para sa 2022 national and local elections sa pagkukunwaring paggamit ng pondo ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa ilalim ng mga programang ‘no barangay left behind,’” sabi ni Laudiangco.
Idinagdag ni Laudiangco na nagpasya ang Comelec second division na bagamat nabigo ang ipinakitang ebidensya na si Mamba ay nagkasala at dapat madiskwalipika dahil sa vote-buying, ang ebidensya ay matibay upang patunayan na siya ay lumabag sa section 261(v)(2) OEC (Omnibus Election Code) at section 2 ng Comelec resolution number 10747.
“It is incumbent upon us to strictly implement the prohibition on the release, disbursement or expenditure of public funds not in accordance with existing laws, rules and regulations. Therefore, based on the evidence presented, petitioner has overcome the burden of proof with substantial evidence to establish that respondent violated section 261 (v) (2) of the OEC,” saad ng 18 pahinang desisyon ng Comelec second division.