NAIS ni Senador Imee Marcos na ipatigil muna ang bola ng lotto habang iniimbestigahan ang buong sistema ng lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement nitong Huwebes resumed on Thursday its inquiry, which was presided by Senator Raffy Tulfo to determine and maintain the integrity of the PCSO lotto games, as well as to look into the status of its prize fund being remitted to the Bureau of Internal Revenue (BIR).
“I’m very happy that they’re finally investigating it,” pahayag ni Marcos hinggil sa isinasagawang pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement tungkol sa integridad ng mga laro at estado ng premyo na inireremit sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
“Hangga’t hindi naipapaliwanag itong mga pangyayaring ito, itigil muna yang bola. Itigil muna yung e-lotto at yung mga ginagawa nila. Wala ng naniniwala eh at naaawa naman ako sa mga pumupustang mahihirap,” pahayag ni Marcos.
Sa pagdinig, hiniling ng committee chair na si Senador Raffy Tulfo na silipin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology (DICT-CICC) ang mga lotto games.
Matatandaan, na marami ang nagpahayag ng pagdududa sa lotto games dahil sa sunod-sunod na panalo ng mga malalaking papremyo.