PIRMA na lamang ni Pangulong Bongbong Marcos ang kulang para maging ganap na batas ang P5.268 trilyong budget sa 2023.
Ito ay matapos ratipikahan ng Kamara at Senado ang bicameral conference committee report hinggil sa panukalang budget sa susunod na taon.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na inaasahang lalagdaan ng pangulo ang General Appropriations Act bago matapos ang 2022.
Tiniyak ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee na may sapat ba pondo ang pamahalaan para ipatupad ang mga programa sa ilalim ng House Bill (HB) No. 4488 o General Appropriations Bill (GAB), kabilang na ang seguridad sa pagkain.
“Mabilis man ang budget para sa 2023, hindi po ibig sabihin na ito ay minadalitt. Sinuri, inaral, pinag-debate-han natin ito nang husto…minsan pa nga hanggang sa madaling araw na,” sabi ni Angara.