Bukidnon inuga ng magnitude 4.5 na lindol

INUGA ng magnitude 4.5 lindol ang Bukidnon kaninang alas-7:54 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). 

Idinagdag ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na isang kilometro, apat na kilometro hilaga ng Kalilangan, Bukidnon.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Kalilangan, Bukidnon; instrumental Intensity II sa Talakag, Bukidnon; at instrumental I sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental; at Malaybalay, Bukidnon. 

Idinagdag ng Phivolcs na inaasahan ang pinsalang dulot ng pag-uga, bagamat wala namang aftershock na dulot ng lindol.