Isko siguradong tatakbo

SIGURADONG-SIGURADONG tatakbo si Manila Mayor Isko Moreno sa susunod na eleksyon, pero ang hindi sigurado ay kung ano ang tatakbuhan niya.


Sa isang panayam, sinabi ni Moreno na hindi pa siya makapagdesisyon sa ngayon dahil abala pa siya sa pagiging alkalde ng Maynila.


“May obligasyon ako sa mga taga-Maynila. I would rather focus on that until the last day na magdedesisyon ako and I’m going to be fair with our people. I’m going to be honest with our people, magpapaalam ako sa kanila. Kung anuman ‘yon, that remains to be seen,” aniya.


“But definitely, I am running. Yun na lang ang masasagot ko,” dagdag ni Moreno.


Sinabi rin ng alkalde na natutuwa siya na marami ang kumukumbinse sa kanya na tumakbo bilang presidente.


“(But) if and if I’m going to decide, I’m going to decide on my own—not because I was being endorsed by somebody, I’m being endorsed by another group. No, I will decide because kung sa tingin ko, puwede ako as option,” paliwanag niya.


“I don’t want to be part of divisiveness. I don’t want to be divisive kasi masyadong polarized…If I’m going to run, I will try to make sure to unify everybody, whatever colors they got,” hirit pa ni Moreno.