IMBES na suspindihin ang excise at value-added-tax sa mga produktong petrolyo para mabawasan ang hagupit na dala ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis, magbibigay na lamang ng ayuda ang pamahalaan sa mahihirap.
Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang proposal ng Department of Finance na bigyan ng P200 ayuda kada buwan ang bawat mahihirap na pamilya sa loob ng isang taon.
“This is something that we can sustain. We realized that this is not enough but this is what we can afford as of this time,” paliwanag naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Ayon pa kay Dominguez, ang subsidy ay aabot ng P33.1 bilyon na pakikinabangan naman ng “bottom 50 percent” income level, o equivalent ng may 12 milyon household o 70 milyon Pilipino.
Binatikos naman ito ng ilang grupo at sinabing tila parang limos ang ibinibigay ng pamahalaan.