IKOKONSIDERANG mga authorized persons outside of their residence ang mga empleyado at opisyal ng Commission on Elections at sila na magsisitakbo sa 2022 national and local elections.
Ito ay base sa Resolution No. 140 na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, ngayon na isang linggo na lamang ang nalalabi at sisimula na ang nakatakdang filing ng Certificate of Candidacy sa Oktubre 1.
Bukod sa mga empleyado ng Comelec, ikokonsidera rin na APOR ang mga representante ng mga political parties at partylist organizations, mga tatakbo sa halalan at kanilang mga makakasama sa araw ng filing ng COC.
Tatagal ang filing ng COC mula Oktubre 1 hanggang 8. Imbes na sa Comelec main office, gagawin ang filing ng COC sa Sofitel dahil inaasahan ang pagdagsa ng maraming tao.
Aabot sa 18,000 posisyon ang paglalabanan sa May 9 elections, kabilang na dito .ang pangulo, pangalawang pangulo, 12 senador at 308 kongresista.