Tuloy ang kasal: Ellen, Derek namigay ng wedding invite

TULOY NA TULOY na nga ang kasalang Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos mamudmod na ang couple ng kanilang wedding invitation sa mga kaanak at malalapit na kaibigan.

Kamakailan lang ay namanhikan ang pamilya ni Derek kay Ellen para tuldukan na ang mga hinalang mauuwi lang sa wala ang pagmamabutihan ng dalawa.

Hindi na umano sila mahaharang pa sa kanilang pagpapakasal kahit ito man ay pandemya.

Sa isang Instagram post ng ng ellen_adarna2021, isang fan page ng aktres, makikita ang isang laarawan ng invitation card na may nakasulat na “Save the date” at “Derek & Ellen.” May kalakip itong larawan ng mukha ni Derek na halos matakpan ng kamay ng aktres na suot ang engagement ring.

Sa isa pang photo, kita naman ang iba’t ibang bulaklak habang nandon ang print out ng nasabi ring larawan. May caption ito ng: “Sending out for our ninongs and ninangs.”