SINABI ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) na magreresulta lamang sa P483 kada buwan o P21.95 kada araw ang sinasabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ipatutupad na huling tranche ng Salary Standardization Law V sa ilalim ng Republic Act (RA) 11466.
Sinabi ni dating COURAGE president Ferdinand Gaite na napakaliit nito kung ikukumpara sa hirap na dinadanas ng marami ngayon bunsod ng mataas ng inflation rate.
“Saan makakarating ang bente pesos mo?” sabi ni Gaite.
Nauna nang ibinasura ng DBM abg panawagang itaas sa P33,000 ang minimum na sahod ng mga kawani ng pamahalaan.
“Government employees are not that eager because it’s meager,” dagdag ni Gaite.
Aniya, umaabot lamang sa P12,517 kada buwan ang pinaka mababang sweldo ng mga kawani ng gobyerno.