Gordon: Isa ako sa pinaka-qualified maging pangulo

KUNG si Sen. Richard Gordon ang tatanungin, isa siya sa mga pinakakwalipikado para pumalit sa babakantehin na puwesto ni Pangulong Duterte sa 2022.


“If you ask me if I am qualified, I think I am one of the most qualified. I’m sorry I have to say that dahil kailangan sabihin mo, dahil wala namang magsasbi na iba,” giit ni Gordon.


Aniya, dapat ay may apat na kwakipikasyon ang susunod na presidente ng Pilipinas: experience, vision, integrity, at track record.


Hindi rin dapat puro daldal lang ang papalit sa puwesto ni Duterte.


“Kapag tinatanong ako, palagay ko kaya ko. Sinasabi ko, kaya kong umupo diyan sa puwesto na yan kung ngayon, mapapaaandar ko yan,” dagdag ng senador.


Noong 2010 ay tumakbo sa pangkapangulo si Gordon pero tinalo ni Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.