#DuterteDuwag trending sa Twitter

TRENDING sa Twitter ang hashtag na #DuterteDuwag matapos umatras Pangulong Duterte sa pakikipagdebate kay retired Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Bukod sa #DuterteDuwag, trending din ang ‘Presidente’ sa Twitter.

Ngayong araw ay inihayag ni presidential spokesman Harry Roque ang desisyon ni Duterte na hindi na tumuloy sa kanilang debate ni Carpio.

Nauna nang kumasa si Carpio sa hamon ni Duterte na debate kung saan nag-alok ang Philippine Bar Association na siyang mag-organisa nito. –WC