Fortune teller’ Sara kay BBM: May apo na darating

GAME na game na maging “fortune teller” si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos at sabihin na may darating na apo ang huli ngayong taon.

Sa isang vlog na in-upload sa YouTube channel ni Marcos nitong Linggo, hinulaan ni Duterte na magkakaroon na ng apo, isang babae, ang pangulo ngayong 2023. 

“Oh wow, merong blessing,” ayon kay Sara matapos tingnan ang kamay ni Marcos. 

“Oh ano ‘yong blessing?” tanong ni Marcos.

“May apo na darating,” sagot ng Bise Presidente.

“Marunong ka ba talaga magbasa n’yan, sa’n mo nakikita […] Teka buburahin ko, mag-huhugas ako, buburahin ko muna ‘yon,” sabi naman ni Marcos.