ITINALAGA ni President-elect Bongbong Marcos si dating Philippine Airlines (PAL) president Jaime “Jimmy” Bautista bilang susunod na Transportation Secretary.
Nagsilbi si Bautista sa PAL bilang presidente ng 13 taon bago magretiro noong 2019.
Nagsimula sa mababang posisyon sa PAL si Bautista bago naitalaga bilang Vice President for Finance mula 1993 hanggang 1994, Chief Finance Officer, mula 1994 hanggang 1999, Executive Vice President, mula 1999 hanggang 2004, at Presidente 2004 hanggang 2012, at mula 2014 hanggang 2019.
Sa kabuuan, 27 na ang naitatalaga ni Marcos, kabilang ang sarili bilang pansamantalang Secretary ng Department of Agriculture.