ITINALAGA ni presumptive President Bongbong Marcos Jr. ang ekonomista na si Arsenio Molina Balisacan bilang susunod na National Economic and Development Authority (NEDA) Director General.
Nagsilbi si Balisacan bilang NEDA chief noong panahon ng yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.
Kinumpirma ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na tinanggap na ni Balisacan ang posisyon.