NANINIWALA si Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan na gustong tumakbo ni Pangulong Duterte sa pagkabise presidente sa 2022 elections dahil “gahaman ito sa kapangyarihan o takot na mabalikan sa kanyang mga kasalanan.”
“Akala ko ba magre-resign ang Pangulo kapag bigo ang 3-6 months na pangako? Akala ko ba ay pagod na siya sa trabaho? Ngayon naman ay bigla siyang may interes sa pagka-bise presidente,” ani Cabochan.
“Dalawa lang ‘yan, lust for power at fear of retribution. Alin man doon ay mali. ‘Wag na nating dagdagan ang drama at pambobola,” dagdag niya.
Sinabi pa ng mambabatas na pinaiikot ni Duterte ang batas.
“Should President Duterte run for the vice-presidency and win, he is next in line to become president–a post he previously held. If we look at it closely, this move circumvents the intent of the Constitution to bar re-election to the presidency,” paliwanag niya.
“Iniikutan na naman nila ang batas. The Philippines is not and should not be a Duterte Nation,” sabi ni Cabochan.