ABS-CBN director bitter sa paglipat ni Bea sa GMA-7?

TILA bitter ang isang direktor ng ABS-CBN sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7.


Taliwas sa reaksyon ng maraming taga-showbiz, kabilang na ang mga dating kasamahan sa Channel 2 na natuwa sa paglipat ni Bea, may panunuya ang komento ni Erick Salud ukol sa desisyon ng aktres.


Sa Twitter ay nag-post si Salud ng cryptic message ukol sa isang hindi niya pinangalanan na artista na lumipat na ng istasyon.


Aniya: “So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya? Eh may project siya na nasimulan at na-promote na prior (to the) pandemic.”


“Talos say niya, di pa siya ready mag-shooting. Ayun pala lilipat. AAAARTE!!! Naghihirap ba siya? Eh may big farm nga. Kaloka siya!” dagdag ng direktor.


Naka-private ang account ni Salud na
@ErickSalud70.


Siya ang direktor ng teleseryeng Doble Kara,


My Girl, Kung Tayo’y Magkakalayo, at Aryana.
–A. Mae Rodriguez