Duterte: Karunungan at lakas ng loob ni Rizal gayahin

HINIMOK ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy na gayahin ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal nang pangunahan ang paggunita ng ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ng pambansang bayani sa Luneta Huwebes ng umaga.

“Let us emulate his wisdom and courage in our own simple ways as we pursue a better and brighter future for all,” sabi ni Duterte.

Pinangunahan ni Duterte ang pag-aalay ng bulaklak sa estatwa ni Rizal kasama ang ilang opisyal ng kanyang Gabinete at Manila Mayor Isko Moreno.

“As we commemorate Rizal’s contribution to our freedom and self-determination, may we continue to honor him by exemplifying patriotism and idealism in all our endeavors as well as by fostering a greater sense of nationalism among the Filipino youth,” dagdag ni Duterte.