SA gitna na ginagawang ‘pananakop’ ng mga Tsino sa West Philippine Sea, hindi gegerahin ng Pilipinas ang China dahil malaki ang utang na loob natin dito, ayon kay Pangulong Duterte.
Sa kanyang public address kagabi, sinabi ni Duterte na hindi gagambalain ng Pilipinas ang China dahil marami itong naibigay na bakuna kontra-Covid-19.
“I am stating for the record, we don’t want war with China. China is a good friend, mayroon tayong utang na loob na marami, pati na ‘yung bakuna natin. So China, let it be known China is a good friend and we don’t want trouble with them especially with war,” giit ng Pangulo.
Pero klinaro ni Duterte na labas na ang pagkakaibigan kapag lumagpas na ang China sa exclusive economic zone ng bansa.
“But there are things that are not subject to compromise kagaya yung ginawang pag-atras-atras. Mahirap po yan, sana they will understand but I have the interest of my country to protect. It might not be an armed might but it is a claim of sovereignty which I cannot, ‘yan nandyan na ‘yon,” paliwanag niya.
Hindi rin niya umano paaalisin ang tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea kahit pa ipilit ng China.
“Tignan natin kung anong gawain natin at ginawa nila. Let us compare it to evolving na nangyayari pa. Now, let’s see what happens. China must understand that if need be, we will be. I don’t know what will happen next. We’ve done the legal,” dagdag ni Duterte.