Bagong 500K Sinovac dumating sa bansa

DUMATING na sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa China Huwebes ng umaga.

Eksaktong alas-7:22 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplano ng Cebu Pacific dala ang mga vaccine mula sa China.

Sa kabuuan ay meron ng 3.5 milyong doses ng Sinovac vaccine ang nakuha ng Pilipinas. Isang milyong doses ay donasyon ng pamahalaang China.

Dadalhin ang mga bagong dating na bakuna sa Metro Pacific facility sa Marikina.