INAPRUBAHAN ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez na huwag suspindihin ang implementasyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
“So, sige, iyon ang policy ng Executive department,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People na inere Miyerkoles ng umaga.
Inirekomenda ni Dominguez na imbes na suspindehin, maglaan na lamang ng P200 kada buwan para sa mga pamilya na nasa below 50 porsiyento ng populasyon.
“So this is our firm recommendation, Mr. President. One, to retain the fuel excise tax imposed under TRAIN Law because we already budgeted it for salaries of school teachers; Build, Build, Build Program and other expenses. And second, we provide targeted subsidies of P200 per month per household for one year to the bottom 50 percent of the Filipino households. This will amount to P33.1 billion in budgetary requirements,” sabi ni Dominguez.