Valentine inokray ng 2 kapwa akusado sa Dacera case

KINASTIGO si Valentine Rosales ng dalawang personalidad na sangkot din sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera dahil sa umano’y husay nito sa paggawa ng kuwento.

Ayon kina JP dela Serna at Rommel Galido, nadadamay ang iba pang napawalang-sala na sangkot sa Dacera case dahil sa mga pakulo ni Rosales.

Hirit ni dela Serna: “Firstly, if you’re enjoying the clout while being bashed by so many people around you, then so be it.”

“But don’t use the fame that you’ve got from the bad incident that happened before cause in reality you do not belong to the real circle of friends, you were only a visitor that night,”
dagdag niya.

“Everyone is now at peace and we’re getting busy with our own lives by moving forward,” aniya pa.

“Apaka cheap mo girl sa ginagawa mong stories taasan mo naman standard mo sa buhay. Sorry val but you deserve this,” ayon pa kay dela Serna.

Hindi rin nakapagpigil si Galido at binatikos ang umano’y pagpapasikat sa publiko ni Rosales.

“Maniwala sana ako sa 7/11 drama mo kung hindi kita kilala. Kaso kilala ko buong pagkatao mo eh. Kaya hindi benta sa akin ang 7/11 drama mo,” sabi niya.

Umani rin ng batikos mula sa publiko si Rosales makaraang madiskubre na sarado na ang 7-Eleven branch sa Cubao, Quezon City kung saan ikinuwento niyang naganap ang umano’y hindi pagbabayad ng isang BBM supporter ng kinuha nitong cold drink kamakailan.